Nung bata ako, pag hindi ako bati ng mga kalaro ko, nagkakasya ako na igugol buong summer vacation ko sa loob ng bahay at sa garahe namin. May mga kalaro ka kasing makaksalamuha n teritorrial, sila ung parang laging maaagawan ng kalaro kahit wala ka namang ginagawa kaya ako, iwa gulo, umuuwi nlng ako at hinahagilap ko na lang ang barbie dolls ko pag nasa kwarto lang ako, o di kaya ay kukunin ko ung bucket ko n puno ng art materials tulad ng paint brushes, watercolors, iba-ibang size ng bond paper, lapis, pambura, paint tray, at krayola, tpos lalabas ako sa garahe o dun lang ako sa sala namin at magpapaka-michaelangelo ako. Masaya nako nun. Wala kasi sa bokabularyo ko ang ipilit ang sarili ko o iyakan ang mga kalaro ko kasi ayaw nila akong isali. Hindi ko nga maalala kung nangyari b sa akin yun kahit minsan eh; umuwing luhaan at nagsusumbong. Naalala ko pa minsan na tinago ung tsinelas ko habang nakikipaglaro ako ng pinggan-pingganan (mga laruan ko pa gamit) tapos paglabas ko ng bahay may nagsabi sakin na yung tsinelas ko daw nilgay duuun sa kisame ng kapit-bahay namin. Dali-dali akong pumunta at buti na lang may grill ung bintana nung kapitbahay namin, edi inakyat ko, walang keme-keme, hindi din naman ako nagalit. Eto pa isa, minsan naglalaro kami mamaya dahil kinampihan ko ung isang kalaro namin eh kinalmot ako sa likod. Huli kong naaalala eh hindi ako umuwi agad. Andun lang ako sa may garahe sa tapat ng bahay nila hawak ko ung bike ko tapos pinapakiramdaman ko lang ung likod ko ung may pantal ba, sugat o kung ano man. Hindi din ako umiyak.
Malikot kasi ako nun eh. umabot pa na nahulog ako sa service namin habang patigil ito para ibaba yung isa naming kasama. Pero sa totoo lang, may dahilan naman bat ako nahulog, hindi lang dahil malikot ako. Eh gawain ko kasi kumain/ubusin ung baon ko sa loob ng service nung naghumps, nahulog ung kuchara ko sa likod ng upuan. So sabi nung ka-service ko tumayo daw ako kukunin nya, tayo naman ako. sakto patigil n ung service kc may bababa, habang nakatayo ako bnuksan ko pinto (yabang ko pa one hand lang kapit ko nugn nagbubukas nun!) di pa pala tuluyang nakakhinto. Pag-preno eh shoot! Hulog ako sa kalsada. Laking pasalamat ko na lang at di ako gumulong! Natatandaan ko na lamang ay may pulang kotse kaming kasunod at buti ay may humps pang dadaanan bago ako masagasaan. whew! Sa sobrang kaba, ung service driver namin, nag-panic. Lagot daw sya kay lolo ko pag nalaman yun. hahahaha! Dun ako umiyak, sa bonggang pagpapanic ni Manong Jun, at hindi sa pagkalaglag ko.
Namana ko ang kadaldalan ko sa mga magulang ko. Nakakapagtaka pa ba yon? Kaya nga pag pinapagalitan nila ako tapos tatanungin ako san ko ba namana ang ganito at ganyan, sarap sabihin na "hindi kaya sa inyo?" hahahah pero seryoso, may mga ganung pagkakataon na hindi naman ako galit pero sasagi lang talaga ung pamimilosopo sa isip mo, tapos dudugtungan pa yon ng kapatid ko, "..alangang sa kapitbahay?" Oha. tandem eh mga batang pilosopo, mana sa magulang.LOLZ
Hindi naman talaga ako iyakin eh. Kaso pag yung pakiramdam mo na hindi mo mailabas ung nasa isip mo, o hindi mo man lang maipagtanggol yung sarili mo sa mga umaaway sayo, un yung nakakaiyak. Yung wala kang magawa. Siguro nga may nagawa kang di maganda kaya ka inaaway. Pero kung handa kang wasakin ang lahat, cge wu-morld war ka, pero kung hindi, mag-isip isip ka bago ka magsalita. Sabi nga nila,