Mabalik tayo sa pasko. Kumpleto na ba ang gift list mo? Hindi yung mga hinihingi mo kay Santa, kundi yung mga regalo sa mga bibigyan mo. Sa nanay mo, tatay, kapatid, lolo't lola, mga tiyo at tiya, bespren mo, kapitbahay, sa isang katerbang inaanak mo, ka-exchange gift mo, kaaway mo (na pwede mong regaluhan ng pla-pla for advance happy new year), sa yaya mo, sa aso mo, at daga sa inyong bahay. Kung ganyang kahaba ang listahan mo, hindi ko na huhulaan, dahil siguradong mamumulubi ka. Pero uso na naman ang tiangge ngayon. Madami ding palabas na nagtuturo ng mga lugar kung saan mura mamili at nagbibigay ng tipid tips. Ang siste lang, minsan yung ibang nireregaluhan, choosy! Sasabihin pa sayo kung san mo nabili yung regalo nya na ang dating, ikaw pa ang may hindi alam kung saan mo yun nabili gawa ng hiya. Mga tao nga naman, sadyang iba-iba.hahaha! Kung ako yun, binawi ko na regalo ko sa kanya. Ayaw mo, wag mo! Pero biro lang yun, dahil Christmas season naman, di dapat magpauso ng kabayolentihan.
Ako eto tag-hirap na. Parang gusto ko nang agawin yung kesong hinanda ko para sa bubwit sa bahay namin. May kulang pa nga akong dapat bilhin. Naalala ko nung bata ako, ang yaman ko. Yumaman ako ng walang puhunan kundi ang pagsasabi lang ng "Mano po." (Sana pwedeng ganun sa buong taon ano? Magpapaka-sobrang-super-galang na ako kung ganun!) Magka-isang libo lang ako nun pakiramdam ko meron akong madaming salapi sa magkabilang kamay na pu-pwedeng ipamaypay. Ang tangi mo lang aalalahanin ay pano pa madadag-dagan ang kaban ng kayamanan (kala mo negosyante ka na nagpapalago ng korporasyon kung kaya't kulang na lang ay mai-stress ka sa pag-iisip).
Ngayon, nagttrabaho ka na. Ang iniisip mo na ay paano pagkakasyahin ang hawak mong pera sa dami ng gastusin. Yung 13th month pay, parang bula lang. Isang pasada mo lang sa mall, voila! wala! hahahaha
Nakakatuwa namang magbigay, dadaan yung oras na mapapaisip ka kung papaano naubos ng ganung kabilis. Pero kung titingnan mo, maswerte ka pa rin at ikaw ang nakakapag-bigay. Hindi yung habambuhay kang naghihintay ng may mag-aabot sa'yo na para kang bata. Isa lang ang tanong pag ganun. Nagsumikap ka ba o tinamad ka na?