Sa dinami-dami ng libro, sa Filipino pa rin ang tuloy.
Marahil, hindi na bago sa inyong pandinig ang ngalan nitong awtor na ito at ang mga librong naisulat nya. Makabayan ang tema ng mga likha niya. Sa wikang gamit pa lamang, Pinoy na Pinoy na! (hindi ito blind item episode) Dagdadan mo pa ng makatotohanang pangyayari sa buhay ng isang Pilipino sa araw-araw. Haluan mo pa ng mga kalokohan na sa Pilipinas mo lang matututunan. Sabayan pa ng mga karakter na hindi paniguradong araw-araw, kundi man ay nakasalubong mo na o nabalitaan mo na sa balita kahit isang beses.
Sino ba namang hindi naaliw, natututo at hindi nakaka-kilala sa mga obra ni Bob Ong? (ang mga bagong panganak at ang mga hindi pa isinisilang malamang)
Photo credits to Google Images
No Loading/Unloading.
Pu-pwede bang laki-lakihan ang karatula? Hindi yata kasi mabasa ng mga pasahero. O sadyang hindi maintindihan. Bakit ba naman kasi Ingles pa kung maaari namang Tagalog na lamang ang sulat. Sa mga National Highways siguro pwede na ang Ingles. Sa ibang bansa tulad na lamang ng Malaysia, isang turistang Amerikano na napadpad doon, at nabasa ang nasa pulang karatula na may walong sulok (octagon ho) na nagsasabing "Berhenti". Naintindihan mo ba 'yon? Miski ako hindi eh.amp! Gi-noogle ko pa translation nun! Ibig pa lang sabihin ay "stop" o hinto. Simpleng salita na kung iisipin natin eh maiintindihan naman ng mga taga-roon, nguit mas pinili nila gamitin ang kanilang katutubong salita upang mas lubos na maunawaan ng kanilang mamamayan. 'Yan, naiisip ko tuloy sadyang matitigas lang ulo ng mga Pilipino. Kung saan bawal, dun sumasakay. Kung ano'ng masama, s'yang ginagawa. Bwahahahahaha!!
Dikit (parang may glue) ang likod ko sa kama (dikit na dikit pala parang may Mighty Bond) tuwing oras ng pagbangon sa umaga. Dahil ba trabaho ang haharapin o ganun lang talaga? Puyat ako at hindi, ganoon lagi ang pakiramdam. Ewan ko ba kung bakit ka'y aga-aga ang laking tukso ng pagtulog sa batas ng pagttrabaho. Hindi na nakakapag-taka kung bakit bihira ang emplayadong walang tala ng LATE sa time-in. Masaya ako at hindi ako nag-iisa. hahahaha! Ang sama ko ba? Hindi ako bad influence ha. Sadyang nalalate lang sila! Belat! hehehe Natural na ata sa bawat tao ang may 'katam' na sa tingin ko ay normal. Aminin! Minsan habang nanonood ka ng TV at nahulog sa sahig ang remote ay pina-paa mo imbes na pulitin mo ng kamay. Tanda mo pa ba nung sobrang excited ka sa darating na SALE sa mall ngunit tinamad ka na dahil alam mong traffic papunta doon? Eh 'yung pag-papaxerox mo ng notes ng klasmeyt mo kasi hindi ka naka-kopya (kasi sampung whiteboard ang haba ng pinakopya ng guro ninyo at sinadya mong wag nalang kumopya) na kinumbinsi mo pa ang sarili mo na mas okay 'yun dahil kumpleto marereview mo kumpara kung ikaw ang nagsulat ay sayang lang ang effort dahil isho-shortcut mo lang ang bawat salita na sa huli, ikaw mismo hindi mo maintindihan ang sulat-kamay mo.
Bata't matanda'y walang ligtas
Sa katamaran na sadyang likas
Huwag lang magiging madalas
Dahil t'yak wala na itong lunas
Magpapasko na ang lahat ay kay saya (maliban lamang sa ga taong kahit may vacation leave pa ay hindi makapag-leave dahil sa hinahabol na deadlines). Abala ang karamihan sa pamimili ng mga regalo at paghahanda sa mga party na dadaluhan. Malamig na rin ang simoy ng hangin (kahit papaano sa hapon at madaling araw) at ang aircon dito sa aming opisina ay lalong nagyeyelo sa lamig. Kinakailangan kong mag-jacket dahil para akong nasa Baguio! Brrr! Ako ay busog. Idagdag mo pa ang lamig na nakakapanginig, kung kaya't nakakaantok. Salamat na lamang sa mga taong hindi patay sa paligid ko. Hindi ka mapapanisan ng laway dito sa pwesto ko. Tas matingkad ang kulay ng cubicle gawa ng area decoration contest dito sa opisina. Makaka-panalamin ka nga sa kintab, yun nga lang distorted ang imahe mo.hahaha! Pero nakakabuhay talaga sa mata. Iinom ko pa ng malamig na tubig.
Mabalik tayo sa pasko. Kumpleto na ba ang gift list mo? Hindi yung mga hinihingi mo kay Santa, kundi yung mga regalo sa mga bibigyan mo. Sa nanay mo, tatay, kapatid, lolo't lola, mga tiyo at tiya, bespren mo, kapitbahay, sa isang katerbang inaanak mo, ka-exchange gift mo, kaaway mo (na pwede mong regaluhan ng pla-pla for advance happy new year), sa yaya mo, sa aso mo, at daga sa inyong bahay. Kung ganyang kahaba ang listahan mo, hindi ko na huhulaan, dahil siguradong mamumulubi ka. Pero uso na naman ang tiangge ngayon. Madami ding palabas na nagtuturo ng mga lugar kung saan mura mamili at nagbibigay ng tipid tips. Ang siste lang, minsan yung ibang nireregaluhan, choosy! Sasabihin pa sayo kung san mo nabili yung regalo nya na ang dating, ikaw pa ang may hindi alam kung saan mo yun nabili gawa ng hiya. Mga tao nga naman, sadyang iba-iba.hahaha! Kung ako yun, binawi ko na regalo ko sa kanya. Ayaw mo, wag mo! Pero biro lang yun, dahil Christmas season naman, di dapat magpauso ng kabayolentihan.
Ako eto tag-hirap na. Parang gusto ko nang agawin yung kesong hinanda ko para sa bubwit sa bahay namin. May kulang pa nga akong dapat bilhin. Naalala ko nung bata ako, ang yaman ko. Yumaman ako ng walang puhunan kundi ang pagsasabi lang ng "Mano po." (Sana pwedeng ganun sa buong taon ano? Magpapaka-sobrang-super-galang na ako kung ganun!) Magka-isang libo lang ako nun pakiramdam ko meron akong madaming salapi sa magkabilang kamay na pu-pwedeng ipamaypay. Ang tangi mo lang aalalahanin ay pano pa madadag-dagan ang kaban ng kayamanan (kala mo negosyante ka na nagpapalago ng korporasyon kung kaya't kulang na lang ay mai-stress ka sa pag-iisip).
Ngayon, nagttrabaho ka na. Ang iniisip mo na ay paano pagkakasyahin ang hawak mong pera sa dami ng gastusin. Yung 13th month pay, parang bula lang. Isang pasada mo lang sa mall, voila! wala! hahahaha
Nakakatuwa namang magbigay, dadaan yung oras na mapapaisip ka kung papaano naubos ng ganung kabilis. Pero kung titingnan mo, maswerte ka pa rin at ikaw ang nakakapag-bigay. Hindi yung habambuhay kang naghihintay ng may mag-aabot sa'yo na para kang bata. Isa lang ang tanong pag ganun. Nagsumikap ka ba o tinamad ka na?

No comments:
Post a Comment