Masarap ang buhay nagta-trabaho; pag kumikita ka na ng sarili mong pera,
pag nabibili mo na ang mga bagay at napupuntahan ang lahat ng lugar na gusto mo.
'yung pakiramdam na ikaw na ang boss ng sarili mong buhay.
Kayod-kayod at petiks-petiks din. O kay sarap hintayin ang akinse at katapusan
para mapasakamay ang inaasam na kayamanan. Sadyang parang kay bilis ng
paglipas ng mga araw.
Isang araw sa kalagitnaan, simula, o sa pagtatagal mo sa trabaho, malamang
sa hindi ay mapapansin mo na isa ka na sa mga madalas magbanggit ng isa sa
mga katagang sikat sa mga taong nagta-trabaho. Mapa-opisina man yan, ospital
factory, eskwelahan, gym, bar, agency, gobyerno, etc.
"Thank God it's Friday!" o "TGIF!"
Paggising mo isang maulan na umaga, bigla mo na lang masasabi na "Sana
walang pasok.". Panandalian mong maaalala na hindi ka na estudyante at
panandaliang ikalulungkot ito. Masama maghangad ng ikakasama ng iba
pero aminin mo na minsan ay napapahiling ka na lang na sana ay tuloy-
tuloy ang ulan. Sa isang nakaka-aliw na hinagap, habang ika'y tumatanda,
ay mas nagiging waterproof ka; Parang kang 3-ply tissue na mas matibay
pag nabasa. Kaya't walang signal ng bagyo ang makapag-papahinto ng
inyong trabaho, kahit pa naglalanguyan na ang mga daga sa labas ng
bahay nyo.
Dadaigin pa ng pagtitipid mo sa pagliban and pagtitipid mo sa pera. Sa isang
indibidwal gaya ko, bilang na lamang ang mga araw na walang pasok. Maliban
sa 15 araw na Vacation at 15 araw na Sick leave na ipagkakaloob sa iyo sa
trabaho, ang ilan pang pagkakataon ay ang mga official holidays gaya ng Araw
ng Kagitingan, Pasko, Bagong Taon, Undas, Araw ni Rizal, Bonifacio Day, Ramadan,
Eidr Ftr (ewan ko kung tama spelling nyan), kamatayan ni Ninoy, Independence
Day, Labor Day, ang seasonal na EDSA I, at ilan pa. Tiyak kong makakabisado
mo din ang mga ito sa takdang panahon!
Kung mamalasin atpumatak ang mga ito ng Sabado o Linggo, depende na lamang
sa Presidente, kung kagaya ni GMA, na madalas ay inuurong ang pagka-wala ng
pasok sa pinaka-malapit na biyernes o lunes ay laging may long weekend.
Pero dahil si Noynoy na, at ayaw nya ng mga patakaran ni GMA, di uso ang
urong-urong.
Maya-maya lang, sa kakahintay mo ng mga bakasyon at sweldo, magugulat ka
na lamang at nakalipas na ang kalahati ng taon. -Ber months na ulit gaya ngayon.
Mamaya fiesta na samin. Halloween na. Pasko na at kinalaunan ay Bagong Taon
na. Magsisimula ka na ulit sa pagtatala ng kalendaryo ng mga araw na walang pasok
at pag-aabang ng sahod.
No comments:
Post a Comment