Thursday, August 2, 2012

Isipin mo na lang, kotse yan!

      Nakakatuwang makapag-salysay ng mga bagay-bagay na nakikita at nangyayari sa pang araw-araw nating pamumuhay. Madaming nakaktuwa, nakakalungkot, nakakagulat, at kung anu-ano pa. Tulad na lamng ng hindi mayaman ang Pilipinas hanggang ngayon kung ikukumpara sa sinasabing naghihirap na ang Amerika. May naalis sa 7 wonders of the world na pambato natin, ngunit may pumalit. Ang mga mayayaman ay mayayaman padin; Ang mga tamad ay mahirap pa din. O diba, "The irony of life" ika nga ang peg nung huling pangungusap. Hindi naman ako propesyonal na manunulat. Wala akong nasalihang kahit anong kompetisyon o kung ano man na kaugnay nito. Pero paano ko nga ba mailalarawan talaga ang buhay? Ganito na lang...

MANUAL.

      Sanay ka naman siguro sumakay ng MRT, taxi, bus, jeep, tricycle, o pedicab? Kung nasubukan mo na lahat yan eh iisipin kong alam mo na ang pakiram dam ng masikip, mahirap hamabol, punuan, at mabagal. Masarap ba? Hindi. Sino ba namang gusto masikipan, makipag-unahan, at humabol sa oras. Ako nasubukan ko lahat yan. Hindi pa lang eh sumabit sa jeep. Pero maraming beses ko ng nasubukan tumayo sa bus ng 2 oras mula Legarda hanggang Robinson's Galleria. Oha! Oo, maipagmamalaki kong nagawa ko yan. Kaya naman ang simpleng makaupo ako matapos ang hinaba ng pagtayo ay ipinagpapasalamat ko sa Dyos. 

      Bata pa lang ako ay marunong na akong maghugas ng mga plato, tumawid sa kalye, maglaba, magluto ng pancit canton, pati magprito ng binating itlog. Pero ayoko talaga magluto ng sunny-side-up kasi matilamsik ang mantika, kaya nung nasubukan ko, para akong nakikipag-espadahan sa kawali. May shield pa, yung takip ng kaldero. bwahahahahaha!! Hindi naman matatawag na child labor o abuse ang mga pinaggagawa kong iyon, maging kawang gawa ko man o utos ng magulang ko. Ang tamang tawag dun ay pagmumulat habang maaga pa. Ang bait kong anak ano? Napaka-understanding ko.haha! Masaya naman ako na maaga akong natuto ng gawaing bahay. Hindi naman akong ginawang alila sa bahay namin. Sadyang gusto lang nila ako matuto. Kasi may katulong kami nun eh. Sabi nga nung pari sa isang misa sa SM Megamall; 
"Mga magulang, hindi masama na ibigay nyo lahat sa mga anak nyo, at ayaw nyo silang makaranas ng hirap; Pero paminsan-minsan, paghugasin nyo man lang ng mga pinggan  o paglabahin, para matuto sila, at hindi para pahirapan ang buhay nila. Kasi, mas mahirap na lumaki sila, magka-pamilya, na ang alam lang ay umorder sa Jollibee." 


AUTOMATIC.    

      Madaming mayayaman ang nanggaling din sa hirap. Nakaka-mangha ang mga taong nagsikap upang marating kung ano sila ngayon. Yun ang yapak na nais kong sundan at yun din ang gusto kong maipasa sa mga makakabasa nito at sa aking magiging mga anak. Madami sa panahon ngayon ang mga batang "spoiled" kung tawagin. Bigay lahat ng luho, kailangan man o hindi, basta ginusto ay bigay. 

      May kilala akong lalaking sanay mag-drive. Kahit anong sasakyan ipamaneho mo ay ayos lang. Hindi sya marunong mag-commute pwera sa taxi. Para sa babaeng tulad ko na malaman yun ay medyo nakaka-turnoff. Hindi ko na ilalathala ang dahilan ko at pakiramdam ko naman ay alam nyo na kung bakit.

      Masarap matulog sa malambot na kutson. Pero dadating ang araw na baka kakailanganin mong mahiga sa matigas at malamig na sahig. Papaano na lamang kung hindi ka sanay? Matatapos na lamang ba ang gabi na ikaw ay nakatayo o umaangal? Simple lang naman ang gusto kong sabihin. Ang buhay ay parang pag-aaral magmaneho. Sabi nila, mas maganda kung magsimula ka sa manual. Pag natutunan mo, ay sisiw na ang automatic. Nasa manual kasi ang mahirap na proseso. Komplikado, detalyado, at sadyang hindi madali sa umpisa; pero kung makasanayan mo ay pwede ka na maging karerista. Ang buhay automatic ay madali. Maaari namang dun ka magsimula ngunit mas maganda kung mararanasan mo parin humawak ng manual.  Mas mahirap para sakin kung ang buhay ko ay naging pabaligtad.

Kung ikaw ang tatanungin, saan mo ngayon gusto mag-umpisa? Sa manual o matic? 

No comments:

Post a Comment